Hinimok ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na dumulog sa kanilang opisina sakaling mabiktima ng online fraud.

CAMARINES NORTE – May paalala rin ang ahensiya sa mga consumer upang hindi mabiktima ng bogus online business.

Sa isinagawang virtual Talakayan sa PIA, hinimok ni Alvin Sayno, Head  ng Consumer Protection Division ng DTI Camarines Norte ang publiko na maaaring magpaabot ng sumbong sa kanila pamamagitan ng email o sa kanilang facebook page.

Sa katunayan aniya ay marami na rin silang natatanggap na reklamo sa pamamagitan ng kanilang facebook page na nabibigyan naman daw ng solusyon.

Pinag iingat din nito ang publiko sa mga transaction online lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Dapat umanong alamin kung legit ang negosyo at tiyakin na mayroon itong physical address.

Kung wala ay dapat umanong magduda dahil ang legit na nagnenegosyo ay mayroong physical address at alam kung saan hahabulin sakaling magkaroon ng problema.

Pwede rin umanong hanapin sa website ng DTI ang trade name ng negosyo at kung wala ito ay nangangahulugang hindi ito legit.

Sa  online shopping naman ay pwedeng makipag ugnayan sa kanilang consumer care hotline.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *