HIV/AIDS case sa Naga City , 46 na!

NAGA CITY –46 na ang kaso ng HIV/AIDS sa record ng Naga City Hygiene Clinic at maaari pa itong madagdagan sakaling mag positibo ang dalawang nagpa check up kahapon, Abril 1, 2024.

Sa pakikipag-ugnayan ng Brigada News FM Naga kay Grace Guevarra, ang head ng clinic sinabi niyang for confirmatory test pa ang dalawang bagong kaso nila, kaya magiging 48 ito sa 1st quarter pa lang ng taon, kung tuluyang mag positibo nga ang mga ito sa impeksyon.

Ang datus na ito ay napakataas kung ihahambing noong nakaraang taon 2023 na nasa 104 lahat at kasalukuyang nasa mahigpit na medikasyon para hindi lumala at malagay sa alanganin ang kanilang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *