HIV positive na nairecord ng Naga City Hygiene Clinic umabot na sa 97

NAGA CITY – Kahit nasa panahon na ng Pasko ay bukas pa rin ang Naga City Hygiene Clinic para tanggapin ang mga gustong magsailalim sa Free HIV/AIDS Testing kaya umaasa sila na puwede pang madagdagan ang nasa 97 na individual na nag positibo na sa impeksyon na ito sa buong taong 2023.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Grace Guevarra ang head ng klinika, sinabi nitong noong nakaraang taon nasa 75 ang nagpositibo, mas mataas ngayon dahil hindi pa tapos ang Disyembre nasa 97 ng lahat. Aniya mataas man , nakukuha na nila ang pinakalayunin ng programa na makuhang lahat ang mga individual na may impkesyon para maagapan at huwag ng mauwi sa mas malala, sa AIDS na ikamamatay ng pasyente.

Ang pinakamaraming kaso ay nasa pagitan ng 25 hanggang 34 na taong gulang,mga nagta-trabaho sila o mga empleyado, na sinusundan naman ng mga mas bata na sa edad na 15 hanggang 24 taong gulang.    

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *