Hold-up sa isang tindahan sa Rizal – napigilan ng 2 batang tumawag ng pulis

Napigilan ng dalawang bata ang tangkang pangho-hold-up ng isang lalaki sa convenience store nang magtawag sila ng mga pulis.

Ayon kay Police Col Felipe Maraggun, hepe ng Rizal Police Provincial Office, agad na rumesponde ang kanyang tauhan na nagpapatrolya lamang malapit sa naturang lugar.

Binigyan ng tuong-pinansiyal ng Rizal Police ang dalawang bata na tumulong na masugpo ang krimen.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa kustodiya ng naturang istasyon.

Paliwanag ng salarin, wala na raw siyang naisip na ibang paraan upang magkapera kaya nagawa ang krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *