Hong Kong’s Bay Area Dragons, maglalaro sa PBA bilang guest team

Iwewelcome ng PBA ang kanilang magiging guest team parasa 47th season, dahil maglalaro ang Hong Kong’s Bay Area Dragons sa Governors’ Cup ngayong taon.

Ang deal ay pormal na inanusyo noong Lunes, kung saan makikipag-partner ang PBA sa East Asia Super League (EASL) para dalhin ang Dragons sa Asia’s first pay-for-play basketball league.

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, ang pagpasok ng Dragons bilang guest team ay opisyal na inaprubahan ng Board of Governors.

Ang Dragons ay binubuo ng mga manlalaro mula sa mainland China, Hong Kong, at Chinese Taipei, maging ng Asian import at dalawang foreign players. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *