Honoria para sa SK officials, aprubado na sa final reading ng Kamara

Aprubado na sa huling pagbasa ang panukala na magbibigay sa Sangguniang Kabataan (SK) officials ng honoraria, allowances, maging ng appropriate certificates ng civil service eligibility sa final reading sa House of Representatives.

Sa 201 affirmative votes, zero negative, at walang abstention, inaprubahan ng Mababang Kapulungan ang House Bill No. 10698, na naglalayung amyemdahan ang Republic Act No. 10742 o ang “Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015.”

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, ang principal author ng panukala, na pinalalawak rin ang functions ng SKs sa skills training, youth employment, environmental protection, values education, at iba pang programa na para sa vulnerabilities na nakakaapekto sa mga kabataan.

Sa ngayon, tanging ang SK chairpersons ang entitled sa naturang benepisyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *