Isang malungkot na araw para sa public accountability at anti-graft efforts.
Ito ang naging reaksyon ni Senadora Risa Hontiveros matapos ma-acquit ang 16 na criminal cases sa tinuturong isa sa mga mastermind ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.
Ayon kay Hontiveros – isang malaking offense sa mga Pilipino ang pagbaba ng sentensya kay Napoles dahil hindi nito matitimbangan ang bigat ng kurapsyon na inumpisahan niya dahil lamang sa kakulangan ng ebidensya.
Kung maaalala – naabsuwelto ng Sandibanbayan si Napoles sa mga criminal cases na kaparehong ikinaso na rin kina Senador Bong Revilla dahil sa kabiguhan ng mga prosecutor na patunayang guilty sila sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Si Revilla na una na ring na-absuwelto ay nakulong pa sa Kampo Krame bago siningil ng P124.5 million ng korte.
Samantala, guilty naman ang hinatol sa kaniya ng Second Division ng Anti-Graft Court para sa dalawang bilang ng graft, at dalawang bilang ng malversation. // LGD edited MHEL PACIA
BNFM Bicol—NADAGDAGAN na ang kursong pwedeng pag-aralan sa Catanduanes State University (CATSU), sa islang probinsya…
Umabot sa mahigit dalawang daan ang hired on the spot sa isinagawang job fair sa…
GIPAHAYAG sa labaw sa komitiba sa transportasyon nga si Kagawad Dominador Lagare Jr. nga plano…
NAKA KUSTODIYA karon sa Bula Police Station ang duha ka lalaki nga gidakop sa hiniusang…
KORONADAL CITY – UMABOT sa P 281.2 million na halaga ng cash assistance at livelihood…
POSIBLENG sa adlaw’ng Lunes pa pormal nga mapasaka sa kapulisan ang kaso batok suspek sa…