Covid Update

OCTA: COVID cases sa Metro Manila, maaring nag-peak na

Inihayag ng OCTA Research na ang mas mababang positivity rate sa nakalipas na linggo ay nagsasabi na maaring nagpeak na ang mga kaso ng Covid-19 sa Metro Manila.

Ayon kasi kay OCTA fellow Dr. Guido David, bumagsak ang Covid-19 positivity rate sa Metro Manila mula sa 26.1 percent noong May 14 sa 25.2 percent noong May 21.

Dagdag pa ni David, na ang hospital occupancy ng Metro Manila para sa mga pasyente ng Covid-19 ay bumababa mula sa 29.7 percent noong May 14 sa 28.8 percent noong May 21.

Mababatid na itinakda ng World Health Organization ang benchmark sa 5 percent para sa positivity rate.

Sa gitna nito, nakikita naman ng OCTA fellow na magtatala ang bansa ng 900 hanggang 1,000 na mga bagong kaso ng Covid-19 ngayong araw. //MHEL PACIA

BNFM Makati

Recent Posts

4 na Sorsoganon, napabilang sa mga nominado sa 2024 Search for Outstanding Gov’t Workers ng CSC Bicol

Inanunsyo na ng Civil Service Commission (CSC) Bicol ang listahan ng mga nominado para sa…

33 mins ago

5 oras na patubig, inireklamo; NIA, nagpaliwanag

Inireklamo ng ilang magsasaka sa Brgy Taboc at Catan-agan Juban ang hindi sumasapat na patubig…

47 mins ago

‘Totoy,’ minolestiya ni ‘Manay’

Arestado ng mga tauhan ng Sorsogon City Police Station ang 34-anyos na babaeng wanted sa…

1 hour ago

Matapos ang hirit na muling bidding ng Smartmatic – COMELEC, nanindigang na-award-an na ang Miru systems

Naging matibay ang Commission on Election (COMELEC) sa kanilang desisyon sa pagpili sa Miru System…

1 hour ago

Cong Villafuerte – nanindigang ‘constitutional’ ang panukalang i-reschedule ang 2025 BSKE sa 2026

Iginiit ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na malinaw sa Supreme Court decision na pwedeng…

2 hours ago

Mahigit 400 pulis sa Metro Manila, natanggal sa serbisyo

Umabot na sa 480 pulis sa National Capital Region ang sinibak sa pwesto dahil sa…

3 hours ago