Hontiveros – pinaghahandaan na ang midterm election sa 2025

Kinumpirma ni Senate Deputy Minority Leader, Senadora Risa Hontiveros na nag-uusap at naghahanda na silang mga oposisyon para sa darating na midterm election sa 2025.

Ngunit sa kabila nito ay inamin niyang hindi pa sila nakakabuo ng kanilang senatorial opposition slate.

Pero pagbabahagi ni Hontiveros, pangarap niya noong una na mag-full slate ng labingdalawang para sa oposisyon.

Kaugnay nito, titignan muna umano nila kung kakayanin nila itong mabuo.

Maalala, kamakailan ay ibinahagi ni Liberal Party spokesperson Leila de Lima na nilalayon ng kanilang partido na kumbinsihin si dating vice president Leni Robredo na samahan sila sa kanilang opposition senatorial ticket.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *