Hontiveros, pinuna ang pag-antala umano sa pagpasa sa SOGIE Equality bill

Binatikos ni Senator Risa Hontiveros ang tangka na i-delay ang pagpasa sa Sexual Orientation, Gender Identity and Expression and Sex Characteristics (SOGIESC) bill.

Ginawa ni Hontiveros ang pahayag matapos ianunsyo ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na ang panukala ay nananatili parin sa Committee on Rules.

Sinabi pa ni Villanueva, na hindi prayuridad ng Senado ang naturang panukala sa ngayon, dahil wala umano ito sa listahan ng mga panukala na senertipikahan bilang urgent ng MalacaƱang.

Pero giit ng senadora, dapat mabigyan ng hustisya ang ating mga kababayang hindi malayang nakakapamuhay dahil lang sa kasarian nila.

Inaasahan naman ng head ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, na papayagang sumailalim ang panukala sa proper legislative process, alinsunod sa rules of the Senate.

Giit ni Hontiveros na ang SOGIESC bill ay mahigit dalawang dekada na umanong nakatengga sa Kongreso. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *