Hot pursuit operations sa 6 na Dawlah Islamiyah members – ikinasa

Patuloy ang hot pursuit operation ng militar sa mga sangkot sa pambobomba sa Mindanao State University noong Disyembre nakaraang taon.

Ito’y makaraang mapatay ang 9 na miyembro ng teroristang grupo sa isang engkwentro sa Lanao del Sur.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla , 15 ang natukoy na suspek sa bombing, at 6 na mga indibidwal pa ang patuloy na tinutugis hanggang sa ngayon.

Sinabi ng militar , mayroong apat na core groups ng Dawlah Islamiya ang sangkot sa pangbobomba sa MSU at isa rito ang grupong pinamumunuan ni Saumay Saiden a.k.a. Abu Omar na napatay sa engkwentro sa Lanao del Sur.

Kabilang si Omar sa apat na pangunahing suspek sa MSU Bombing.

Patuloy ang pagtutulungan ng militar at pulisya para sa mabilis na ikatutugis ng mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *