Hourly water break- panlaban sa init sa paaralan sa Goa, Camarines Sur

CAMARINES SUR –  Sinimulan nang ipatupad sa ilang pampublikong eskwelahan sa Goa, Camarines Sur ang hourly water break upang maibsan ang matinding epekto ng init ng panahon sa mga estudyante.

Ayon kay Oscar Parola ang Principal ng Goa Central School; ang pinakamalaking pampublikong paaralang elementarya sa nasabing bayan, isa lamang ang hourly water break sa mga hakbang na kanilang isinasagawa upang manatiling hydrated ang mga bata. Dagdag pa ng punong guro, hinihikayat rin aniya ang mga magulang ng mga ito na pabaunan at painumin ng hindi masyadong malamig na tubig.

Kaugnay nito, bagaman nakasalalay pa sa mga susunod na sitwasyon ang pagsusupinde ng face-to-face o onsite classes, at pagpili sa alternative delivery mode of teaching. Una na ring inihayag ng Department of Education na ang mga school head na ang bahalang magdesisyon nito, at sa kaso ng nasabing paaralan, magiging option lamang ito kapag talagang kinakailangan na. Subalit sa ngayon, ang pagpapanatili nang malinis na kapaligiran at maayos na bentilasyon ang kanilang prayoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *