National

House blocs, tiniyak na hindi kakalas sa supermajority

Tiniyak ng Nacionalista Party at ang PDP-Laban na hindi sila kakalas sa supermajority sa Kamara.

Sa isang pahayag sinabi niĀ  Nacionalista Party spokesperson at House Deputy Speaker Camille Villar, na nananatili ang suporta ng kanilang partido kina Speaker Martin Romualdez at Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Bukod sa pagpahayag ng suporta kina Romualdez at Marcos, binati rin ng NP stalwart at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers si Pampanga Rep. Aurelio Gonzales sa kanyang pagkakahalal bilang Senior Deputy Speaker na pumalit kay dating Presidente at incumbent Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon naman kay PDP-Laban president at Palawan Rep. Jose Alvarez , nananatili ang kanilang partido sa koalisyon na binuo ni Romualdez sa Kamara.

Naniniwala rin ang PDP-Laban sa pamumuno ni Romualdez na makakapagdala ng reporma upang mapaunlad ang bansa.//CA

BNFM Makati

Recent Posts

Chinese diplomat – ipinatawag ng PH matapos ang water cannon bombing incident

Ipinatawag ng Department of Foreign Affairs si Zhou Zhiyong mula sa embahada ng China sa…

20 mins ago

Deniece Cornejo at Simeon Raz – nasa kustodiya na ng mga otoridad

Isinailalim na sa medical at booking procedure sina Deniece Cornejo at Simeon Raz - dalawa…

23 mins ago

Vhong Navarro – wi-nelcome ang conviction laban kina Cornejo, at iba pa

Wi-nelcome ng actor-host na si Vhong Navarro ang naging desisyon ng Taguig Regional Trial Court…

23 mins ago

Pag-aresto sa ‘Mayo Uno 6’ – kinundena ng ilang grupo

Kinondena ng Kabataan Partylist ang umano'y ilegal at marahas na pag-aresto sa mga kabataan na…

28 mins ago

PCG personnel na binomba ng tubig ng China – pararangalan

Kinilala ni Philippine Coast Guard District (PCG) NCR-CL Commander Arnaldo Lim ang mga personnel nito…

36 mins ago

Pimentel – iminungkahi ang pagkakaroon ng water cannon ng mga PCG

Naniniwala si Senate Minority Leader Koko Pimentel na karapatan din ng bansang magkaroon ng sarili…

38 mins ago