Maharlika Investment Fund – lusot na sa Kamara

Inaprubahan na House of Representatives kagabi sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na naglalayong magtatag ng Maharlika Investment Fund, isang sovereign wealth fund na magagamit ng gobyerno sa pamumuhunan.

Nakakuha ng 279 votes mula sa mga mambabatas ang House Bill (HB) No. 6608, anim ang against at walang mambabatas ang nag-abstain.

Mabilis na naipasa sa lower house ang panukala matapos sertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang kontrobersyal na panukalang batas mula noong una itong inihain sa kasalukuyang 19th Congress noong November 28 ay isinailalim sa mga debate mula noong Lunes, December 12.

Una nang hinimok ng minorya sa pangunguna ni Rep. Edcel Lagman si Speaker Martin Romualdez na palawigin ang legislative deliberations sa panukalang MIF.

Ayon sa mambabatas, ang mahabang Christmas break ng kamara ay magbibigay sa mga miyembro nitong sapat na oras upang kumonsulta sa kanilang mga nasasakupan tungkol sa mga pros at cons ng iminungkahing panukala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *