Plano ng House of Representatives na gawing prayoridad ang limang natitirang panukala sa legislative agenda ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, oras na magbalik sesyon ito sa Lunes.
Sinabi ni Speaker Lord Allan Velasco na ang limang natitirang proposed measures ay kabilang sa limang priority bills na itinakda ng Legislative-Executive Development Advisory Council.
Tinukoy ng kongresista mula sa Marinduque ang mga panukala bilang proposed Philippine Virology Institute Act, Center for Disease Control Act, Amendments to the Continuing Professional Development Act of 2016, Bureau of Immigration Modernization ACt, at ang National Housing Development Act.
Bukod diyan ay sinabi ni Velasco na tututukan rin nila ang mga priority measures na babanggitin ni Pangulong Duterte sa huli nitong State of the Nation Address.
Tiniyak ng mambabatas na tutulungan ng Kongreso ang Pangulo na maisakatuparan ang lahat ng pangako nito sa mga Pilipino.
Boluntaryong sumuko ang negosyanteng si Cedric Lee sa National Bureau of Investigation matapos na mahatulang …
Na-rescue sa mga sakop sa Coast Guard District Southeastern Mindanao ang duha ka indibiwal nga…
Kumpirmadong nang may relasyon sa pagitan ng aktor na si Xian Lim at film producer…
Pinangunahan ng gymnast na si Karl Eldrew Yulo ang Philippine Artistic Gymnastics team matapos makapaguwi…
Hindi bababa sa sampu ang nasawi sa katimugang estado ng Rio Grande do Sul ng…
Patay diha-diha dayon ang usa ka lalaki human gipauwanan kinig bala kay matud pa wala…