Nangako si House Speaker Martin Romualdez na mamadaliin ang pagpasa sa pro-digitalization measures na binigyang diin ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.
Ayon kay Romualdez, nananatiling committed ang House of Representatives na ipasa ang priority legislations ni President Marcos, kabilang na ang mga panukala para sa digitalization sa parehong government at private transactions na magpapalakas sa efficiency, productivity, at security.
Dagdag ng House Speaker, na ang establishment ng framework para sa digital transformation ay makakatulong umano na ma-enhance ang prospect ng Pilipinas bilang investment hub na matagumpay umanong naitayo ng pangulo sa Davos.
Ang E-Government at E-Governance Act, ay kabilang sa mga prayuridad na binanggit ng punong ehekutibo sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) noong July 2022, na ngayon ay pending sa House committee level.
Positibo ang Department of Finance na kayang maabot ng mga Government Owned and Controlled Operations…
Ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos na simplehan at pabilisin ang permitting process ng mga infrastracture…
Nakumpiska sa mga sakop sa Davao City Police Office (DCPO) ang kapin 6.6 milyon kantidad…
CAMARINES SUR — Negatibo sa isinagawang HIV Screening, Counseling, and Testing ang nasa dalawang daan…
NAGA CITY – Aarugain ng LGU-Naga lalo na ng City Social Welfare and Development Office…
Sikop sa mga sakop sa Los Amigos Police Station ang usa ka butane vendor atol…