House Leader: bilisan ang pagpapasa sa RBH para matuldukan na ang PI

Hinamon ni House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe ang Senado na pabilisin ang pagkakapasa ng Resolution of Both Houses (RBH) No. 6 na inihain ni President Juan Miguel Zubiri para tapusin na ang ongoing na people’s initiative.

Ito ang naging tugon ni Dalipe sa gitna ng paulit-ulit na panawagan ng Senado sa Kamara na itigil na ang pagsuporta sa people’s initiative para amyendahan ang Konstitusyon.

Para sa opisyal, dapat nang ipasa ang Resolution of Both Houses para hindi na pwedeng magplebisito ang people’s initiative.

Kung sino kasi aniyang maunang mapasa, ‘yun ang mauuna mag-plebisito.

Sa sandaling maipasa umano ang RBH6, mawawala na ang people’s initiative.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *