National

House panel, target na maaprubahan ang 2022 budget sa loob ng isang linggo

Magsasagawa ang House appropriations committee ng marathon hearings upang tiyakin na maipapasa ang budget bill para sa 2022 sa loob ng isang linggo.

Sinabi ni Committee chairman Eric Yap na magsasagawa sila ng kompletong hearings para sa apat na departamento kada araw, upang mapabilis ang pagsusumite nila ng budget bill sa House plenary para sa deliberasyon.

Ipinunto ng ACT-CIS party-list at Benguet caretaker congressman na magiging feasible ito dahil nakipagkita na ang liderato ng kamara sa mga ospisyal ng executive branch sa gitan ng dalawang buwan na session break bago bumalik ang sesyon noong nakaraang lingo.

Iginiit ng kongresista na na kakayanin ng House na makumpleto ang deliberasyon nito sa national budget pagsapit ng Oktubre, sa kabila ng suspensyon ng congressional session dahil sa dalawang linggong enhanced community quarantine mula August 6-20.

Binigyang diin ng mambabatas na hindi pwedeng maantala ang pagpasa sa pambansang pondo lalo na at nahaharap ang bansa sa pandemya.

Samantala, inihayag naman ni Yam na meron ang Palasyo hanggang August 26 para isumite ang 2022 National Expenditure Program sa Kongreso.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago