House probe hinggil sa power outage sa Western Visayas, kasado na sa susunod na linggo

Aarangkada na sa susunod na linggo ang pagdinig ng Kamara ukol sa nangyaring malawakang power outage sa Panay Island at ilang bahagi ng Western Visayas.

Batay sa Notice of Meeting na ibinahagi ni Iloilo City Representative Jam Baronda mula sa House Committee on Energy, itinakda ang pagdinig sa January 11.

Ayon kay Baronda, hiniling niya at ng iba pang kongresista sa House leadership na masiyasat ang panibagong problema sa kuryente sa kanilang lugar.

Mayroon na aniyang resolusyon ang Iloilo lawmakers upang magkasa ng pormal na imbestigasyon ngunit dahil naka-break ang Kongreso ay itutuloy na lamang ng komite ang naunang pagsisiyasat kaugnay sa power interruption sa probinsya noong Abril ng nakaraang taon.

Giit ni Baronda, makabubuti ito upang mabusisi ang isyu at mapanagot ang mga responsable.

Nagpasalamat naman ito kay House Speaker Martin Romualdez at Marinduque Representative Lord Allan Velasco na siyang chairperson ng Committee on Energy dahil sa positibong tugon sa hiling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *