House Speaker Martin Romualdez, iginiit na nagtitiwala pa rin sa pamilya Duterte

Inihayag ni House Speaker Martin Romualdez na pinagkakatiwalaan niya pa rin ang pamilya Duterte sa harap ng mga isyu sa pagitan nila ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam kay Romualdez matapos ang flag raising ceremony sa Kamara, umaasa siyang bubuti ang relasyon nito sa mga Duterte lalo’t nananatili umano sa gobyerno ang “UniTeam”.

Hindi lamang aniya ninanais ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagtutulungan ng Kongreso at ng executive branch kundi bilang isang bansa.

Ipinaliwanag ni Romualdez na hindi maiiwasan ang pagkakaiba ng pananaw ngunit para sa kapakanan ng mga Pilipino ay sisikapin umano nilang resolbahin ito.

Samantala, naniniwala rin ang House Speaker na tama ang naging desisyon ni VP Sara na isuko na ang inihihirit na confidential funds sa ilalim ng 2024 national budget.

Sa kanya namang mensahe sa harap ng mga kawani ng Kamara kaninang umaga, nanindigan si Romualdez na ipagtatanggol ang institusyon mula sa mga nagnanais na sirain ang integridad at reputasyon nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *