House version ng 2024 General Appropriations Bill – pormal nang isinumite sa Senado

Pormal nang nai-turn over sa Senado ang kopya ng House version ng 2024 General Appropriations Bill.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, pinaghahandaan na nila ang mahabang oras na gugugulin sa pagbusisi sa budget.

Ngunit makakaasa aniya ang publiko na mabibigyan ng sapat na panahon si Pangulong Bongbong Marcos upang i-review ang GAB.

5.768 trillion pesos ang panukalang pambansang pondo sa susunod na taon.

Mababatid na nag-realign ang Kamara ng kontrobersyal na confidential at intelligence funds mula sa ilang civilian agencies patungo sa mga departamentong may kinalaman sa pambansang seguridad at sa pagprotekta sa West Philippine Sea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *