HPG nagsagawa ng Oplan Sita sa Maharlika Highway sa bayan ng Daet

CAMARINES NORTE- Kahit itinigil na ng PNP Highway Patrol Group ang pagsasagawa ng lingguhang Oplan Lambat Bitag Sasakyan, hindi naman nito tuluyang inalis ang presensiya sa kalsada.

Kahapon ay nadaanan ng Brigada News  ang mga tauhan ng Provincial Highway Patrol Team sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Camambugan sa bayan ng Daet na nagsasagawa ng Oplan Sita.

Katuwang ng HPG ang mga local traffic enforcers ng LGU.

Lahat ng uri ng sasakyan ay pinapara upang tiyakin ang compliance ng mga ito sa umiiral na batas.

Kabilang sa mga sinita ng HPG ang isang truck na walang wiper.

Inisyuhan ng Traffic  Citations Ticket (TCT) ang driver ng truck.

Mayroon ding mga unregistered na sasakyan at iba pang mga paglabag.

Kasabay ng operasyon ang pamimigay ng information materials hinggil sa mga kinakailangang pag iingat kontra COVID- 19.

Pagdating naman sa bayan ng Basud ay nagsasagawa ng Comelec checkpoint ang PNP.

Isa- isa ding pinapara ang mga sasakyan at kasabay ng paghanap sa mga importanteng dokumento nito ay hinahanapan rin ng vaccination card ang mga pasahero at driver.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *