HPG nagsagawa ng terminal inspection para masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero na bibiyahe ngayong Undas

CAMARINES NORTE – Nag inspeksyon sa mga terminal ang mga tauhan ng Philippine National Police Highway Patrol Group upang masiguro ang kaligtasan ng mga sumasakay sa mga pampublikong sasakyan ngayong Undas.

Inikot ng HPG ang mga terminal ng bus, van, jeep at maging ng tricycle dito sa bayan ng Daet.

Dito ay sinuri ng mga tauhan ng HPG ang ilaw, preno at gulong ng mga pampublikong sasakyan para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero gayundin kung may seat belt ang upuan ng driver at mga unahang upuan.

Tiningnan din ang rehistro at prangkisa ng mga ito.

Ayon sa HPG bahagi na raw talaga ng kanilang routine na magsagawa ng terminal inspection kahit hindi Undas.

Noong weekend bago pa man ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections ay dumami ang bilang ng mga pasahero na dumating sa lalawigan galing Metro Manila.

Kaya noong madaling araw ng Sabado ay nagsagawa ng operasyon ang HPG sa Barangay Tabugon, Sta Elena para na rin umalalay sa mga biyaherong papasok at palabas ng lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *