HPG namigay ng food packs sa mga batang magpuprutas sa bayan ng Mercedes

CAMARINES NORTE- Namahagi ng food packs ang PNP Highway Patrol Group sa ilang batang magpuprutas sa bayan ng Mercedes Camarines Norte nitong weekend.

Ayon sa HPG layon ng ganitong mga outreach program na kahit papano ay matulungan ang mga taong lubhang nangangailangan sa gitna na rin ng kinakaharap na krisis na dulot ng COVID- 19.

Nais umano ng grupo na patuloy na makatulong kahit man lang sa simpleng pamamaraan.

Kung maalala ay hindi lang ito ang mga aktibidad na ginawa ng grupo may kinalaman sa pagtugon sa  pandemya.

Ilang community pantry din ang kanilang inilunsad sa kasagsagan ng pandemya na ang pangunahing benepisyaryo ay ang mga nasa transport sector.

Makailang beses na naglunsad ng community pantry sa terminal at sa mismong headquarter nito sa bayan ng Talisay kung saan namahagi ang grupo ng bigas, de lata, tinapay at mga gulay.

Kalaunan ay hindi na lang ang transport sector ang nakinabang sa community pantry kundi maging ang komunidad malapit sa kanilang opisina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *