HS Romualdez, dumipensa sa mga akusasyon laban sa kaniya

Nilinaw ni House Speaker Martin Romualdez ang kaniyang posisyon at papel sa grupong People’s Initiative for Modernization and Reform Action o PIRMA.

Ito ay matapos ang mga larawang ipinakita sa Senado na nakipagpulong siya sa lead convenor ng grupo na si Noel OƱate.

Sa isang pahayag, sinabi ng liderato ng Kamara na ang ginawa niyang meeting ay bahagi lamagn ng pagsasanay niya ngkaniyang ‘commitment’ na panindigan ang prinsipyo ng demokrasya na may kinalaman sa interes ng bansa.

Kahit na suportado raw niya ang participatory governance – idiniin ng Speaker na kahit kailan, wala raw siyang ginawa para pamunuan ang naturang signature campaign.

Muli ring pinabulaanan ni Romualdez ang pagkakasangkot nito sa mga alegasyon ng vote-buying.

Samantala, tinitingnan lang daw ni Romualdez bilang panawagan na mas pagtibayin pa ang pagsisilbi sa mga Pilipino ang naging pahayag ni Senadora Imee Marcos sa naging pagdinig ng Senado.

Ayon kay Romualdez, bilang public servants, dapat nilang pagtuunan ng pansin ang kapakanan ng kanilang mga constituents at ang pag-unlad ng bansa.

Pero pakiusap aniya sa kapwa niya mambabatas, wala raw sanang mga maaanghang pang salita lalo pa’t napakikinggan sila ng mga kabataan.

Maliban dito, hindi rin umano magandang ehemplo ang ganitong mga salita.

Sa huli, binigyang-diin ni Romualdez na bukas siyang makipagpulong kay Sen. Marcos upang matugunan ang anumang concerns ng bansa, at makipagtulungan para sa ikabubuti ng bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *