Huling araw ng ‘Pahalik’ sa Poong Itim na Nazareno, dinagsa

Dinagsa ng mga deboto ang huling araw ng ‘pahalik’ sa Poong Nazareno, kalakip ng kani-kanilang panata, sa Quirino Grandstand ngayong lunes.

Tila hindi alintana ng mga debotong nakapila ang init, pagod at gutom para mamanata.

Ayon sa debotong si Bernabe Pineda na nagmula pa sa Pasig, nasa dalwamput limang taon na siyang namamanata at iba ang himala ng poong nazareno.

Aniya, noong mawalan siya ng nagtrabaho agad siyang tumungo para magdasal sa simbahan ng Quiapo at sa araw ding yon ay tinawagan siya para sa isang trabaho.

Sa tala ng Manila Police District (MPD), nasa halos 3000 deboto ang pumila simula kaninang ala sais ng umaga hanggang alas tres ng hapon.

Samantala, umabot sa 29 na deboto na nakibahagi sa pahalik sa Poong Itim na Nazareno ang nabigyan ng serbisyong medikal ng Metropolitan Manila Development Authority.

Kabilang sa mga ito ang nasa 24 na deboto na nakaranas ng pagkahilo at nagpasuri ng highblood pressure habang ang 5 naman ay nagkaroon ng sugat sa paa.

Patuloy naman ang paalala ng pamunuan ng Quiapo Church na tumalima sa mga patakaran na kanilang inilatag upang maging matiwasay ang pagdiriwang ng Nazareno 2024.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *