Huling araw ni Pangulong Marcos sa kanyang 2-day state visit sa Singapore, naging abala

Naging abala ang ikalawa’t huling araw ni Pangulong Bongbong Marcos sa Singapore.

Isinagawa ang bilateral meeting sa pagitan nina Marcos at Singaporean president Halimah Yacob.

Matatalakay ang renewal ng mga commitment ng dalawang estado para sa mas maigting na relasyon ng Pilipinas at Singapore.

Magkakaroon din ng pagpupulong kasama naman si Prime Minister Lee Hsien Long; at ang round table meeting mamaya kasama ang Sinaporean Business community.

Ayon kay Press Secretary Trixie-Cruz Angeles, inaasahang malalagdaan ang mga investment deals, pati na rin ang mga usapan hinggil sa pagshe-share ng best practices pagdating sa counter-terrorism at data privacy protection.

Inaasahan ding malalagdaan ang isang joint comminique na layong mag-hire ng mas maraming Pinoy healthworkers sa Singaporean Ministry of Health.

Bago ito, una nang sinabi ni Migrant Workers Secretary Toots Ople na mayroong nasa 3,000 health workers ang kinakailangang i-hire ng Singapore.

Samantala, ngayong gabi ay babalik na si Pangulong Marcos sa Pilipinas.

Alas-diyes ng gabi ay inaasahang lalapag na ito sa NAIA terminal 2, baon-baon ang mga investment deals at bilateral agreements mula sa Indonesia at Singapore.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *