Huling laboratory sample na isinumite ng MAO sa bayan ng Basud negatibo sa ASF

CAMARINES NORTE – Hindi na nadagdagan sa ngayon ang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Ito ay makaraang mag negatibo ang laboratory result ng ipinadalang sample nito lang linggo, ayon kay Municipal Agriculturist Harry James Felomino.

Huling nakapagtala ng kaso ng ASF sa naturang bayan noong Enero 10 habang anim na baboy naman ang pinatay o nakasama sa depopulation.

Sa ngayon ay ginagawa umano ng MAO ang lahat para maiwasan na ang pagkalat ng ASF sa pamamagitan ng mga inilatag na preventive measure.

Sa ngayon ay nagpatupad ng mas mahigpit na panuntunan ang MAO sa mga ipinapasok na kakataying baboy sa municipal slaughterhouse at hinahapan ito ng health inspection certificate.

Isinailalim din sa training ng LGU ang mga magkakatay ng baboy at meat handlers sa noong Martes.

Hindi maiisyuhan ng business permit ang mga ito kung hindi sasailalim sa training.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *