Hungary Pres., nag-resign matapos magbigay ng presidential pardon

Nagbitiw na sa pwesto si Hungarian President Katalin Novak matapos sumailalim sa matinding pressure para sa pag-pardon sa isang lalaking nahatulan ng sexual abuse sa isang children’s home.

Nag-resign si Novak isang linggo lang matapos ang kanyang presidential pardon.

Sa kanyang resignation address sa state television, sinabi nitong nagkamali siya sa kanyang ginawa.

Mali aniya ang kanyang desisyon na magbigay ng pardon sa paniniwalang hindi inabuso ng convict ang kahinaan ng mga bata na pinangasiwaan niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *