Huwag pahirapan ang pag-withdraw ng pirma sa People’s Initiative – Senador

Naniniwala si Senate Majority Leader Joel Villanueva na kung naging simple lang ang naging proseso ng pagpapapirma sa people’s initiative (PI) ay dapat gawin ding simple ang pagbawi rito.

Kaugnay nito, nanawagan siya sa Commission on Elections (COMELEC) na ‘wag ng pahirapan ang mga kababayan sa kanilang pagbawi ng pirma.

Ayon kay Villanueva, hindi na dapat hingan pa ng pagpapaliwanag ang mga indibidwal na gustong bawiin ang kanilang pirma.

Dagdag pa niya, dapat ding magkaroon ng malinaw na direksyon mula sa COMELEC lalo’t kinumpirma na ng Korte Suprema na walang sapat na batas sa pag-amyenda sa PI.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *