Human Interest

“I Am Texas” kinilala ng Guinness bilang pinakamalaking libro sa buong mundo

KINILALA ng Guinness Book of World Records ang librong “I Am Texas” bilang World’s Largest Published Book o pinakamalaking libro na nailimbag sa buong mundo.

Ang non-profit organization na IWrite at ang The Bryan Museum ang nasa likod ng pagkakalikha ng naturang libro na bunsod umano ng kanilang adbokasiya at hangarin na maibalik ang interes ng mga makabagong henerasyon sa pagbabasa ng aklat.

Dahil dito, magkatuwang na inilimbag ng dalawang nabanggit na organisasyon ang libro sa pamamagitan ng pagkalap ng mga artworks at mga maiikling kwento mula sa mga mag-aaral sa lugar.

Sa sobrang dami ng mga ito, aabot sa mahigit 1,000 mga likhang panitikan, maiikling kwento at sanaysay ang nailimbag sa “I Am Texas” na mayroon namang kabuuang sukat na 7 feet tall at 11 feet width.### JDR

BNFM Bicol

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

5 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

5 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

5 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

5 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

6 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

6 hours ago