Ibang barangay sa Naga City hirap pa ring maging drug cleared

NAGA CITY –Aminado ang ilang barangay opisyal sa Naga City na hirap silang ma deklarang drug cleared barangay dahil sa patuloy pa ring presensiya ng illegal drugs sa kanilang sakop na lugar.

Ang mga naitalang drug surrenderee nila ang iba ay bumalik sa dating masamang bisyo, ang paggamit ng bawal na droga tulad ng shabu at marijuana.

Batay sa record ng Naga City Dangerous Drugs Board, nasa 12 barangay pa lamang ang na deklarang drug cleared barangay ng Phil Drug Enforcement Agency o PDEA sa kabila ng mga programang ipinatutupad ng NCDDB katuwang ang Naga City Police Office.

Kaugnay nito, nakapanayam ng Brigada News FM Naga si Calauag Punong Barangay Corazon Penaflor, liga president, at nabanggit niya na kabilang ang barangay niya sa hindi pa drug cleared, may mga isyu ay dokumento pa siyang inaayos at nasa proseso.

Sa panig naman ng konseho, nagpaalala sa mga barangay opisyal si City Councilor at retired General Omar Buenafe na patuloy na labanan ang illegal drugs.

Naghahanda na ang NCDDB sa mangyayaring mga programa sa magaganap na International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking ngayong darating na Linggo Hunyo 25.      

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *