Iba’t–ibang ahensya ng gobyerno sa Camarines Norte, nakiisa sa pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng Araw Ng Kalayaan

CAMARINES NORTE- Nakiisa ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno sa lalawigan ng Camarines Norte sa pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng Araw Ng Kalayaan kahapon June 12, 2023

Kabilang na d’yan ang Philippine National Police kung saan nakilahok sa isinagawang parada at Flag Raising sa Provincial Capitol Grounds ng Camarines Norte

Sa pamumuno naman ni OIC Municipal Fire Marshal Senior Fire Officer IV Arben Encinas ay nakilahok ang BFP sa pagsasagawa ng nasabing Nationwide Simultaneous Flag Raising Ceremony kung saan lumahok din sa aktibidad ng Lokal na pamahalaan ng Sta. Elena.

Kaugnay nito, sa bayan naman ng Jose Panganiban, sabay sabay na nagbigay pugay sa watawat ng Pilipinas ang mga kawani ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno sa nasabing bayan

Samantala, sa bayan naman ng Capalonga, ang kapulisan ng Capalonga MPS sa pamumuno ni PMAJ RODOLFO TUMBAGA, ay nakikiisa rin sa nasabing pagdiriwang kung saan ang mga kapulisan ay nagbigay pugay sa mga bayaning pilipino na nagbuwis ng buhay para makamit ang kalayaan ng ating bansa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *