Iba’t- ibang aktibidad sa pagdiriwang ng Month of Planet Earth inilunsad ng DENR

CAMARINES NORTE – Inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang iba’t- ibang aktibidad sa pagdiriwang ng Month of Planet Earth nito lang nakatalikod na Abril.

Kabilang dito ay ang clean- up drive sa bagasbas Beach, Canopy Walk patungo sa mother tree sa Bicol Natural Park, tree growing activity sa Abasig-Matognon Mananap Natural Biotic Area ( AMMNBA) photography at Vlog contest na bukas sa lahat ng Camnortenos.

Ang pagdiriwang ng Month of Planet Earth ay sa bisa ng Proclamation No 1482 na nilagdaan noong Abril 2008 ni dating Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo.

Tema ng pagdiriwang ngayong Taon ay “Doing our Fair Share to Restore the Earth.”

Mas naging makahulugan ang pagdririwang ng Month of the Planet Earth ngayong taon lalo’t nahaharap ang mundo sa matinding kriris na dulot ng pandemya.

May ilang environmentalist ang naiugnay ang pagkakaroon ng pandemya sa pagbabago ng klima sa daigdig.

Sa pamamagitan ng pagdiriwang nito ay ipinapaalala sa lahat ang obligasyon na pangalagaan ang kalikasan hindi lang ngayon kundi para sa susunod na henerasyon.

photos courtesy of DENR- PENRO Camarines Norte

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *