Iba’t-ibang issues and concerns sentro sa isinagawang Joint MPOC Meeting ng Talitay LGU

ISINAGAWA kahapon ng Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Talitay sa pangunguna ni Mayor Moner K. Sabal ang 2nd Quarter Joint Coordinating Meeting ng MPOC, MADAC, at MDRRMC at iba pang Local Special Bodies.

Kabilang sa dumalo sa pagpupulong na ito ay si Vice Mayor Morshed A. Manibpel kasama ang kanyang Sangguniang Bayan Members, mga Barangay Chairmen, mga empleyado at mga personnel mula sa AFP, PNP, MILG, MSSD, MAFAR, MOH, MBHTE, Religious Sector at Council of Elders.

Sentro ng usapin sa pagpupulong na ito ang kasalukuyang estado ng bayan sa usaping peace and order, fight against terrorism, anti-drug related activities, iba’t ibang programs and services para matulungan ang mga residenteng malubhang naapektuhan ng nakaraang man-made calamity at natural calamity, Covid 19 cases at Vaccination programs.

Kapwa hinikayat ng Chief of Police ng bayan na si PMAJ Solaiman Bakal at 1LT Mark Devesa, Acting CO ng 22 Mechanized (AFP) , ang mga residente ng bayan na makipagtulungan sa pagsugpo sa terorismo sa pamamagitan ng agarang pagrireport sa kanila.

Hiniling din ni Mayor Moner K. Sabal ang kooperasyon at suporta ng lahat sa mga adhikain ng LGU na maibalik ang katahimikan at pagkakaisa sa bayan ng Talitay.

Tinalakay din ng MLGOO ng Talitay na si Ms. Leilali A. Limba ang Mandanas Case in relation sa Presidential Executive Order 138 at mga bagong direktiba mula sa MILG patungkol sa operation at functionality ng LGUs.

Ipinaalala din nya sa mga empleyado, barangay chairmen at local na opisyales ng Talitay na sundin at gawin and kanilang mandato bilang tagapaglingkod ng bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *