Ibinigay na mga kambing ng DA sa Olongapo City Government padadamihin muna ng Agriculture Office

Padadamihin muna ng City Agriculture Office ang mga kambing na ibinigay ng Department of Agriculture sa Olongapo City Government.

Ang mga ito ang magsisilbing breeder ng syudad at kapag naparami na ng husto ay saka ibibigay sa mga kwalipikadong benipisyaryo sa lungsod.

Ayon kay Francis Ela Maniago ng City Agriculture Office, dalawamput limang piraso ang kasalukuyang bilang ng mga hybrid goats.

Ito ay nasa pangangalaga ng isang asosasyon na katuwang ng opisina para makapagparami pa.

Layon nitong matulungan ang mamamayan na interesado para magkaroon ng dagdag na kabuhayan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: City Agriculture Office

May be an image of 2 people, people standing, footwear and text that says 'Healthy Life Exercise regularly Eat healthy Reduce stress Drink plenty of water Power Cells HERBAL CAPSULE Tuldukan ang Sakit!'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *