IBON Foundation: bukas ang bansa sa foreign investments

Binigyang-diin ni IBON Foundation Executive Director Sonny Africa na nakalulungkot na maraming mga Pilipino ang hindi nakaaabot sa nakabubuhay na sahod.

Ito ay matapos tumaas sa ikatlong sunod na buwan ang inflation rate sa bansa.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Africa, sinabi nitong kalakip ng pagtaas ng presyo ng bilihin ay ang pagbabawas naman sa kinokonsumo ng mga tao.

Samantala, naniniwala din si Africa na ang Pilipinas ay isa sa mga pinakabukas na bansa pagdating sa foreign investments sa rehiyon.

Hindi raw totoo na sarado ang bansa sa mga foreign investors.

Mababatid na karamihan sa mga Pilipino ay nagsasabing masyadong komplikado ang mga polisiya ng pamahalaan na dahilan kung bakit hindi nakapapasok ang foreign investments.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *