ICC sinuspende ang war on drugs probe sa ilalim ng Duterte admin

Sinuspende ng International Criminal Court ang imbestigasyon nito sa war on drugs ng Duterte administration kasunod ng kahilingan ng Philippine government kaugnay sa umano’y crime against humanity.

Kaugnay nito ay naabisuhan na ng ICC Office of the Prosecutor ang Pre-trial Chamber na nagpapatigil sa imbestigasyon.

Nilinaw naman na posible pa ring matuloy ang imbestigasyon sa mga susunod na araw matapos ang assessment na gagawin sa “scope and effect” ng hirit na itigil ang imbestigasyon.

Base sa sulat mula sa ICC, posibleng ituloy ng prosecution ang paghiling ng impormasyon mula sa Pilipinas sa ilalim ng Rule 53 ng Rules of Procedure and Evidence.

Tiniyak naman ng ICC Prosecutor na sa kabila ng suspension, itutuloy pa rin nila ang pag-aaral sa mga impormasyon na una na nilang nakalap.

Matatandaan na hiniling ng Philippine Embassy sa The Hague Netherlands na itigil ang imbestigasyon para bigyang daan ang domestic efforts na imbestigahan ang mga sinasabing krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *