ICC walang karapatan na manghimasok sa ‘domestic affairs’ ng Pilipinas – Go

Walang karapatan ang International Criminal Court (ICC) na manghimasok sa usaping panloob ng Pilipinas.

Ito ang naging reaksiyon ni Senador Christopher Bong Go matapos ang formal request ng ICC na mabigyan ng judicial authorization para imbestigahan ang umano’y crimes against humanity case na isinampa laban kay President Rodrigo Duterte.

Ayon kay Go tila gustong palabasin ng ICC na hindi gumagana ang judicial system dito sa bansa.

Buwelta naman ni Go gumagana ang hudikatura sa Pilipinas at kahit si Pangulong Duterte ay tinitiyak na maging patas ito sa lahat.

Iginiit ng Senador na ang taumbayan ang huhusga kung naging matagumpay ba ang implementasyon ng drug war ni Pangulong Duterte, at hindi ang isang banyagang korte.

Kumbinsido si Go na may bahid pulitika ang hakbang na ito ng ICC dahil itinaon nito ang pag-giit na imbestigahan ang umanoy extra-judicial killing sa anti-illegal drugs campaign ng gobyenro ngayong political season sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *