Local News

IED at kagamitan sa paggawa ng bomba, narekober sa bakuran ng Barangay Kagawad; asunto, inihahanda na

SORSOGON CITY – Inihahanda na ng Barcelona Police ang kasong isasampa sa isang Barangay Kagawad ng Barcelona makaraang makuhanan ito ng bomba at ilang kagamitan sa paggawa ng bomba sa loob mismo ng kanyang bakuran sa Brgy Sta Lourdes.

Kinilala ang opisyal ng barangay na si Nora Garote. Binitbit ito ng mga awtoridad pababa ng bundok matapos ang naganap na engkwentro noong Enero 21 sa nasabing lugar para i-endorso sa himpilan ng pulisya.

Isang IED, switch at 50 metros ng wire ang narekober sa bakuran ni Garote na hinihinalang tagasuporta ng rebeldeng grupo.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9516 o illegal possession of explosives ang nasabing opisyal ng barangay.

Sa kaugnay na balita, nakilala na ang NPA na nasawi sa nasabing engkwentro. Kinilala ito ng kanyang pamilya  na si Levy Haz, 38-anyos at residente ng nasabing barangay.

Si Haz ay aktibong miyembro ng NPA.

BNFM Sorsogon

Recent Posts

Academic contest, sukatan ng epektibong teaching-learning process ng mga eskwelahan

CAMARINES SUR —  Sukatan ng pagkakaroon ng epektibong teaching-learning process ng mga eskwelahan ang pagiging…

1 min ago

Mga tsuper at operators na huwag nang bumiyahe kung hindi rin naman nakapag-consolidate – DOTr

Makakausad na raw ang pamahalaan sa mga susunod nitong hakbang, kasabay ng pagtatapos kahapon ng…

14 mins ago

PH Extreme Heat Death Toll: 7 dead, 77 ill

Inilabas na ng Department of Health ang bagong update hinggil sa mga heat related illnesses.…

22 mins ago

Arrest order laban kay MANIBELA president Mar Valbuena – panggigipit lang ayon sa transport leader

Nakapag-piyansa na raw si MANIBELA president Mar Valbuena sa mga kasong kinahaharap nito. Maaalalang kahapon…

38 mins ago

Operasyon ng WESM kapag nakataas ang red alert, sinuspende na ng ERC

Inanunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos na sinuspendi na kahapon ng Energy Regulatory Commission o ERC…

51 mins ago

Patas na labor practices at mga panukala para sa mga manggagawa, tiniyak ng liderato ng Kamara

Nangako si House Speaker Martin Romualdez na patuloy na sisikaping mapabuti ang buhay ng milyun-milyong…

60 mins ago