Ika-47 Turn over Anniversary ng CANORECO, ipinagdiwang ng kooperatiba ngayong taon

CAMARINES NORTE- Ipinagdiwang ng Camarines Norte Electric Cooperative ang ika-47 turn over anniversary ng nasabing kooperatiba ngayong taon

Ito ay matapos mailipat sa CANORECO noong May 14, 1976 ang pamamahala sa Daet Electric Plant na isang pribadong kompanyang pinangangasiwaan ng Hidalgo Enterprises. Binili ng CANORECO ang prangkisa at pagmamay-ari ng nasabing kompanya sa halagang Php3,500,000.00 na ipinagkaloob ng National Electrification Administration bilang bahagi ng paunang pautang sa bisa ng isang loan agreement.

Noong nakaraang buwan, May 15, 2023, apat napu’t pitong taon na ang nakararaan mula ng magsimula ang Camarines Norte Electric Cooperative, Inc. (CANORECO) bilang isang non-stock, non-profit, non-sectarian at non-political electric service distribution utility, at isang tunay na kooperatiba sa elektrisidad na naglilingkod sa labindalawang bayan ng lalawigan ng Camarines Norte.

Nagsimula ang CANORECO noon na may 5,782 konsumedores o 5,894 connections. Ngayon, may 126,412 Member Consumer Owners na ang kooperatiba na may 138,108 consumer connections.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *