Ikalawang Bio Secure Swine Operations Facility, malaking tulong sa pagpaparami ng livestock production sa Bula, Camarines Sur

CAMARINES SUR- Pormal ng nai-turn over sa Municipal Agriculture Office (MAO) Bula ang ikalawang Bio Secure Swine Operations Facility kung saan malaking tulong ito sa pagpaparami ng livestock production sa bayan.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Dr. Celestina Esteve, Agricultural Technologist Livestock Division ng MAO Bula, isa ang kanilang bayan sa lubos na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) kaya hanggang ngayon ay nasa proseso pa rin sila sa pagbawi ng mga nawalang livestock.

Makakatulong din ang nasabing pasilidad upang magkaroon ng de kalidad na livestock production para makapagsupply din sa mga karatig bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *