Ikalawang POI sa pagkawala ng beauty queen sa Batangas, sinampahan ng mga kaso

Nagsampa ng kasong estafa at carnapping ang Philippine National Police (PNP) Highway Patrol Group (HPG) Region 4A laban sa isa pang Person Of Interest (POI) kaugnay sa pagkawala ng isang beauty queen na si Catherine Camilon.

Ang naturang POI ay ang huling may-ari ng sasakyan bago ito napunta sa possession ni Camilon na nawawala noong October 12.

Sinabi ni Public Information Office Chief Police Lieutenant Colonel Chitadel Gaoiran, una nang pinaghahanap ng HPG ang nasabing POI dahil sa maling address na inilagay nito sa deed of sale ng sasakyan.

Dagdag pa ni Gaoiran, kahina-hinala ang ibinigay na address kaya’t maaaring sangkot ito sa grupo ng mga carnappers.

Batay sa imbestigasyon ng HPG, hindi pa nakakalabas sa Southern Tagalog region ang sasakyan ni Camilon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *