Ikalimang yugto ng Regional Pre-SONA Series, isinagawa sa Oriental Mindoro

Ikinasa ang Regional Pre-SONA Series sa Calapan City, Oriental Mindoro sa pangunguna ni Cabinet Secretary Karlo Nograles noong Mayo 25, 2021 na dinaluhan ng mga matataas na opisyal mula sa national government agencies, local chief executives, at iba pang stakeholders.

Ang aktibidad ay bahagi ng paghahanda para sa ika-anim at huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Hulyo 2021, sa pangunguna ng Office of the Cabinet Secretariat (OCS) at Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa pakikipagtulungan ng National Economic and Development Authority (NEDA), Regional Development Councils (RDCs), chairpersons ng Cabinet Clusters, mga miyembro ng Gabinete at Office of the Executive Secretary.

Kaugnay nito, nagbahagi ang mga ahensiya ng pamahalaan ng kanilang mga ambag sa pagpapalakas sa Mimaropa region sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Duterte.

Layunin ng Pre-SONA na isapubliko sa bawat rehiyon ang mga nakamit ng kasalukuyang administrasyon sa larangan ng ekonomiya, imprasktraktura, peace and order, maging ang iba pang programa at proyekto na nagawa at patuloy na isinusulong ng pamahalaan para sa nalalabing taon sa termino ng Pangulo.

Kinatampukan din ito ng komprehensibong ulat tungkol sa mga hakbanging ginagawa upang matugunan ang nagpapatuloy na Covid-19 pandemic sa ilalim ng National Vaccination Deployment Plan (NVDP).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *