Ilang ahensiya tutol sa panukalang ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas

Naghayag ng pagtutol ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa panukalang ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.

Mababatid na pinalutang ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.

Mariing tinutulan ng Department of Justice ang tangkang pagbuwagin ang bansa o anumang galaw na maaaring makasira sa constitution.

Tiniyak naman ng Department of National Defense na mahigpit nitong ipapatupad ang mandatong pag-ingatan soberanya at teritoryo ng Pilipinas mula sa mga banta sa loob at labas ng bansa.

Sa ngayon ay minamanmanan ang hindi pinangalanang grupo ng Philippine National Police na nagsusulong ng paghihiwalay ng Mindanao.

Sinigurado naman ng PNP na gagawin nila ang lahat upang maging buo at nagkakaisa ang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *