Ilang bansa at mambabatas kinondena ang paggamit ng water canon ng China

Kinondena ng ilang mga mambabatas at bansa ang pinakahuling paggamit ng water canon ng China sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon sa National Security Council ng Pilipinas nakakapagduda ang sinsiridad ng China sa mga pangako at panawagan nito para sa mayapang dayalogo sa isyu ng South China Sea.

Giit ng NSC dapat maging responsable at mapagkakatiwalaang miyembro ng International Community ang China.

Sinabi naman ni Sen. Juan Miguel Zubiri inilagay ng Tsina sa peligro ang buhay ng mga Pilipinong magbibigay at tatanggap sana ng mga supply na dadalhin sa Bajo de Masinloc at sa Ayungin Shoal.

Para naman kay House Speaker Martin Romualdez hindi katanggap tanggap at wala sa katwiran ang paggamit ng water canon at mga long-range acoustic device ng China upang masira at magambala ang mga sasakyang pandagat ng mga Pilipino.

Tinuligsa rin ng iba’t ibang bansa ang ginawa ng China na hindi dapat pinagwawalang bahala nito ang United Nations Convention on the Law of the Sea at 2016 arbitral award.

Sinabi ni Sen. Joel Villanueva, gaano man karami ang aramas at kalaki ang iharang ng China, hindi nito mababago ang katotohanan na ang pinaglalabanang teritoryo ay sa mga Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *