Ilang barangay sa Naga City patuloy na makakaranas ng pagbabaha sa patuloy na epekto ng climate change ayon sa isang Climate Scientist

NAGA CITY – Mas lalala pa ang pagbabaha sa Naga City at ilang mga barangay ang posibleng makaranas pa nito sa patuloy na epekto ng climate change, ayon sa resulta ng ginawang pag-aaral nina Dr. Francia Avila, Climate Scientist mula sa Manila Observatory.

Kabilang sa mga barangay na binanggit ay ang Mabolo.

Paliwanag ni Avila, prone sa baha ang Barangay Mabolo dahil sa lokasyon nito na malapit sa Naga River, bukod sa mababa ang lugar, over populated pa.

Nasa loob ng assessment report nila ito, sa synthesis report for the global warming, ayon sa scientist, sa kanyang ginawang lecture sa ginanap na Basic Disaster Risk Reduction and Management Course for Media Personnel.

Ang panahon aniya natin ngayon ay mas lalong lumala dahil nga sa maramng epekto ng climate change kaya ang risk o panganib at banta sa pagbabaha ay asahan na rin sa mga lugar na malapit sa anyong-tubig.

Nag-abiso din siya sa City Government na patuloy na gawin ang mga hakbangin kontra sa baha, lalo na ang pagtatanim ng kahoy na bahagi ng Forest in our Midst Program.

Kamakailan lamang naglabas din ng pahayag si DOST Secretary Renato Solidum Jr. na asahan na at maging handa ang mga Pinoy sa mas grabe pang mangyayari sa paligid, sobrang init ng panahon at pagkakaroon pa ng malalakas na bagyo, dahil nga sa epekto ng climate change.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *