Ilang Barangay sa Olongapo, maapektuhan ng suplay ng Tubig

Maapektuhan ng suplay ng tubig ang ilang Barangay sa Lungsod ng Olongapo City.

Ito ay dahil sa epekto ng tagtuyot at matinding init na nagreresulta sa pagbaba ng lebel ng tubig sa river flow ng lungsod.

Dahil dito ay maapektuhan ng low pressure to no supply ang Buong Barangay ng West Bajac-Bajac, Sta. Rita, Lower Mabayuan, Lower kalaklan at ilang portion ng East Bajac-Bajac.

Ang hakbang na ito ng Subic Water ay para maiwasan na lalo pang bumaba ang lebel ng tubig.

Samantala, humihingi naman ng paumanhin ang opisina sa lahat ng mga maapektuhan at asahan ang kanilang mabilis na aksyon sa problemang ito.//LESLEY-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *