Ilang bayan sa Camarines Sur binisita ni DOH USec. Santiago kaugnay ng nagpapatuloy na Bakunahang Bayan

NAGA CITY- Binisita ni Department of Heath Undersecretary Dr. Nestor F. Santiago Jr. at ni DOH Bicol Regional Director Dr. Ernie V. Vera ang ilang bayan sa Camarines Sur kaugnay ng nagpapatuloy na Bakunahang Bayan PinasLakas Special Vaccination Days.

Ang mga bayang ito ay Canaman, Calabanga, Cabusao, Libmanan at Pasacao. Ngayong araw Setyembre 30, pupuntahan naman ang Nabua, Iriga City at bayan ng Ocampo.

Hinihikayat ng DOH Bicol CHD ang lahat na magpabakuna at magpabooster na para sa mas pinalakas ng proteksyon laban sa COVID-19.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Calabanga Mayor Eugene Severo , ibinahagi nito ang naging pag-uusap nila ng undersecretary , aniya pinatututukan sa kanila ang pagbabakuna sa mga senior citizen pati mga bata.  Hiniling din nito ang pagpapalawak pa ng mga serbisyo ng kagawaran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *