Ilang bayan sa Camarines sur, sunod-sunod na nagpatupad ng pagsasara sa kanilang turismo

NAGA CITY—Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19, sunod-sunod ang inilalabas na abiso ng mga Local Government Unit sa Camarines Sur kaugnay sa pagsasara ng kanilang turismo.

Naunang nagpatupad ng closure sa lahat ng mga tourist destinations gaya ng mga beach resorts ang bayan ng Sagñay na sinundan naman ng Tigaon, Tinambac, Calabanga, Garchitorena at nito lang nakaraang araw ay nagpatupad narin ang Pamahalaang Lokal ng Presentacion at Siruma.

Ayon kay Regina Bea ng MDRRMO Presentacion, nakabase ito sa ipinalabas na EO no. 21 ng kanilang Alkalde na kung saan ang lahat ng tourism activities maging ang mga recreational activities sa lugar ay ipinagbabawal muna.

Kanselado narin ang nakatakda sanang Abaca Festival.

Aniya, pati ang mga residentes o mga naninirahan doon ay bawal rin pumunta sa mga tourists sites para magliwaliw.

Sabi pa ni Bea, regulated din ang mga pumapasok sa kanilang bayan ng mga nagdedeliver ng produkto kung saan may lugar lang aniya na maaari nilang bagsakan ng produkto.

Maging ang mga nagbabahay-bahay para mang-alok ng mga produkto ay mahigpit ring ipinagbabawal para maiwasan ang posibleng hawaan ng COVID-19

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *